Kapamilya celebs nadurog ang puso sa desisyon ng Kamara vs ABS-CBN | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kapamilya celebs nadurog ang puso sa desisyon ng Kamara vs ABS-CBN

Kapamilya celebs nadurog ang puso sa desisyon ng Kamara vs ABS-CBN

MJ Felipe,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Umusok ang social media sa samu’t saring reaksyon ng mga netizen at artista sa naging desisyon ng Kongreso na i-deny ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

Labing isang mambabatas ang bumoto pabor sa prangkisa ng ABS-CBN, kumpara sa 70 na kumontra dito.

Top trending topic ang ABS-CBN ngayong araw kasabay ng makasaysayang pagbaba ng desisyon ng komite sa Kamara na hindi bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Pati ang mga salitang "never forget," "remember this day," umalingawngaw mula sa damdamin ng mga netizen.

ADVERTISEMENT

Gaya ni Kim Chiu, na napuno ng katanungan sa nangyari.

"Wala namang violations na nilabag, nangako naman na aayusin ang mali, para saan pa at nag hearing??? Para saan yun? Para magpahiya? Sorry for my words pero sobrang grabe lang po talaga ang nangyari," aniya.

Para kay Nikki Valdez, hindi kabutihan ng konsensya ang nakita niya sa hearing.

"Tayong mga tao ang nagluluklok sa mga mamumuno ng bansa. Hindi kabutihan ng konsensiya ang nakita natin sa Kongreso ngayong araw na ito. Puro self interest at personal vendetta ang meron sila. Salamat sa 11 na naniwala," ani Valdez.

Halo-halo naman ang nararamdamang emosyon ni Agot Isidro.

"Nagagalit, nalulungkot, nakikipagdalamhati ako dito kasama ang mga Kapamilya ko, masakit, masakit," ani Isidro.

Heartbroken din si Julia Barretto na personal na pumunta sa ABS-CBN compound. Puno siya ng pasasalamat sa sumuporta sa laban ng ABS-CBN.

"Pasasalamat sa brave 11, salamat sa 11 na inisip yung 11,000 na employees ng ABS-CBN and I'm still praying and I'm still hoping for a miracle. Let’s not lose hope," ani Barretto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.