Ina ni Kathryn Bernardo, bumuwelta sa bashers

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2019 11:53 AM | Updated as of Jul 09 2019 12:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi napigilan ni Min Bernardo, ina ni Kathryn Bernardo, na depensahan ang anak laban sa bashers.

Naging usap-usapan sa Twitter na may ilang fan groups umano na gustong i-boycott ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" dahil sa rumored kissing scene nina Kathryn at Alden Richards.

Giit pa ng isang netizen na sana ay hindi niya pinayagan si Kathryn na gawin ang nasabing eksena.

Depensa naman ni Mommy Min, tiwala siya sa creative team ng pelikula.

Mapapanood ang "Hello, Love, Goodbye" sa mga sinehan sa Hulyo 31.

-- Umagang Kay Ganda, Hulyo 9, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.