Vice Ganda, ikinalungkot ang pagsasara ng mga comedy bar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, ikinalungkot ang pagsasara ng mga comedy bar

Vice Ganda, ikinalungkot ang pagsasara ng mga comedy bar

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 03, 2020 03:53 PM PHT

Clipboard

MAYNILA -- Ikinalungkot ni Vice Ganda ang pagsasara ng ilang comedy bars tulad ng Zirkoh at Klownz ni Allan K.

Naibahagi ni Vice ang kanyang saloobin sa "It's Showtime" nitong Huwebes nang may makausap na isang kalahok na nagtatrabaho sa isang comedy bar sa bansa.

"Alam mo talaga nakakalungkot sa sitwasyon ngayon, walang choice ang mga comedy bar kung hindi magsara. 'Yung Zirkoh, 'yung Klownz nagsara na, 'yung Punchline at Laffline nagsara na. Ang daming komedyante ang nawaalan ng trabaho," ani Vice.

"At saka 'yung legacy ng comedy bar, parang 'di ko ma-imagine na mawala na totally ang comedy bar sa lipunan," dagdag ni Vice na sa comedy bar nahasa ang talento pagdating sa komedya.

ADVERTISEMENT

Sa gitna ng krisis, ibinahagi ni Vice ang kabutihang ginagawa ng mga komedyante na ang iba ay patuloy na nagbibigay saya online.

"Mayroon silang mga nakokolekta na mga donation pero hinahati-hati nila 'yon para maitulong sa staff ng comedy bar, 'yung mga waiter, 'yung nasa valet, 'yung mga cook. Kasi 'yan, lahat 'yan ay wala na. Wala naman silang mga online show kaya yung mga bakla tumutulong para mabigyan nila ng ayuda ang ibang staff," ani Vice.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.