Bakit nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Maris, Loisa?

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2018 04:08 PM

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Inamin ni Maris Racal na hindi na sila "best friends" ni Loisa Andalio bagaman nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan.

Sa panayam ng "Tonight With Boy Abunda" noong Martes, nilinaw ni Racal na magkaibigan pa rin sila ni Andalio bagaman hindi na malapit gaya ng dati.

"We are still friends," sabi ni Racal.

Paliwanag ni Racal, hindi na kasi nagtutugma ang mga iskedyul nila ni Andalio kaya wala rin silang panahon para magkasama.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinunyag din ni Racal na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Andalio dahil sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ng mga tagahanga sa social media.

"Hindi naman iyong sobrang away. Siguro misunderstanding na lang," ani Racal.

"Lagi po kaming nako-compare. Parang, who's better, who's not?" kuwento ni Racal.

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

Naayos umano ng dalawa ang hindi pagkakaunawaan nang piliin nilang huwag pansinin ang mga komento.

"Malaking bagay po iyong mga sobrang harsh na comments ng fans. Nag-create kami ng wall between social media and reality, and doon po kami nag-focus sa reality," ani Racal.

Unang nakilala sina Racal at Andalio nang kapuwa maging housemate sa "Pinoy Big Brother: All In" noong 2014.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.