Allan K, nagpasalamat sa mga naging parte ng Klownz

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 12:14 PM | Updated as of Jul 01 2020 12:44 PM

MAYNILA -- Tuluyan nang nagpaalam sa nagsarang comedy bar na Klownz ang host at komedyanteng si Allan K.

Sa Instagram, ibinahagi ni Allan K, isa sa general manager ng Klownz, ang saloobin sa malungkot na balita.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Allan K (@allan_klownz) on

"Maraming salamat sa lahat nang naging bahagi ng Klownz comedy bar. Sa mga tumangkilik, nakisaya, nakitawa at sinamahan kami sa loob ng 18 years, salamat ng marami," ani Allan K sa caption.

Sa naunang pahayag ni Allan K at isa pang general manager ng Zirkoh at Klownz na si Lito Alejandria sa Pep, ang pagsasara ay dahil na rin sa krisis na nilikha ng sakit na COVID-19.

Parehong matatagpuan sa Quezon City ang Klownz at Zirkoh na humubog sa talento ng mga ilang kilalang komedyante ngayon sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.