Dating pinagtagping yero ang bahay, JC Alcantara tuluyan nang naiahon ang buhay ng pamilya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating pinagtagping yero ang bahay, JC Alcantara tuluyan nang naiahon ang buhay ng pamilya

Miguel Dumaual,
ABS-CBN News
Published Jun 30, 2021 08:01 PM PHT

Mula pagkabata hanggang magbinata, naranasan ni JC Alcantara ang tumira sa bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping yero, at gawing pananghalian ang tigpi-pisong crackers at asin.

Ngayon, milya-milya na ang layo ng narating ng bida ng “Hello, Stranger,” matapos magpursige kahit na dose-dosenang beses na natanggihan sa mga audition.

Pamilya aniya ang pinanghawakan niya noon para hindi sukuan ang pangarap na makapag-artista, na isa sa nakita niyang paraan para maiahon sila sa hirap.

Lumaki si JC sa bayan ng San Leonardo sa Nueva Ecija, kung saan isang kahig-isang tuka ang kinagisnan niyang pamumuhay. Dating nagbebenta ng kanin ang kaniyang ina, at construction worker naman ang kaniyang ama.

Ngayon, tila “donya” na ang ina, natatawang biro ni JC, dahil magdamag na raw ito nakahihilita, sa bahay na may matibay na bubong na pangsilong sa ulan at proteksyon sa init. Bonus pa ang mapaglilibangan na 65-inch TV, na iniregalo ni JC sa kaniyang pamilya.

Kung dati’y de pukpok ang TV nila sa probinsya para lang magka-signal, ngayo’y may tatlo nang pagpipilian ang mga naiwang kaanak para makapanood ng paborito nilang programa.

Kaya malayo man sa isa’t isa, nasusubaybayan ng pamilya ni JC ang mga proyekto niya sa ABS-CBN, pati na ang katatapos lang na contract-signing ng aktor bilang opisyal na bahagi ng Star Magic.

Malalim ang kahulugan ng pagkakaroon ng kontrata para kay JC. Aniya, nakahihinga siya nang maluwag dahil ngayon ay may pinanghahawakan siyang kasiguraduhan ng tuloy-tuloy na trabaho.

Naatim man ang big break sa “Hello, Stranger,” at ngayo’y certified Kapamilya na, ani JC, tuloy pa rin ang pag-abot ng mga bagong pangarap — ‘di lang para sa kaniya, kundi para sa pagsagana ng buhay ng kaniyang pamilya.