Awra Briguela arestado matapos masangkot sa kaguluhan sa Makati | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Awra Briguela arestado matapos masangkot sa kaguluhan sa Makati

ABS-CBN News
Published Jun 29, 2023 10:58 PM PHT

Arestado ang komedyanteng si McNeal Briguela o mas kilala bilang Awra matapos itong masangkot sa kaguluhan sa labas ng isang bar sa Makati City nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Makati PNP, nasa loob ng isang bar sa Brgy. Poblacion ang lalaking nakaalitan ni Awra para umano sa isang despedida party.

Sa sanaysay ng lalaki sa pulisya, iginiit nitong sinabihan siya ng grupo ni Awra na alisin ang kanyang damit pang itaas. Kuwento ng lalaki, tumanggi siya at lumabas ng bar, na ayon sa kanya ay ikinagalit ng grupo ni Awra.

Dito na umano nagsimula ang gulo sa labas ng bar, kung saan nasangkot si Awra at kaniyang mga kasama. Batay sa sanaysay ng lalaki, pinunit pa umano ni Awra ang kaniyang damit.

ADVERTISEMENT
Sinubukan kunin ng ABS-CBN News ang pahayag ni Awra ngunit ayon sa custodial officer ay nagpapahinga ito.

Humingi na rin ng komento ang ABS-CBN News sa management ni Awra at sa handler nito ngunit wala pang pahayag ang mga ito sa oras ng pagsusulat.

Ayon kay Southern Police District Director B/Gen. Kirby Kraft, rumesponde ang mga pulis sa komosyon pero naging agresibo umano si Awra at pinagmumura pa raw ang mga pulis.

"Inabot natin itong suspek at 'yun nga po nagkaroon pa rin ng komosyon. Pumapalag siya so with that apprehend na po siya ng ating Makati City police," ayon kay Kraft.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Makati PNP si Awra na nahaharap ngayon sa mga kasong alarm and scandal, physical injuries, direct assault, at disobedience of person in authority. — Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News