TFC News

Carlo Aquino, dinumog ng Pinoy fans sa Dubai

Randy Lamsen at Victoria Lopez | TFC News UAE

Posted at Jun 27 2022 07:48 PM | Updated as of Jun 27 2022 08:36 PM

DUBAI - Nakakabinging tilian ng Pinoy fans sa Dubai ang sumalubong sa Kapamilya star na si Carlo Aquino nang mag-perform siya sa World Trade Center na inorganisa ng Kalayaan 2022. 

Carlo singing on stage
Inabangan ng mga dumalo sa selebrasyon ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ang mini-concert ni Carlo. Patok sa pakilig ang mga kanta ni Carlo. 
Kanta ni Carlo

Dinudumog siya sa bawat lapit niya sa fans. Puno ang venue kaya mas lalong ginanahan si Carlo sa bawat performance nya. 

Carlo kumakanya para sa kanyang fans

Wan-to-sawa naman sa kaka-selfie ang fans ni Carlo at hindi pa nagpapigil ang iba, sumunod pa sa backstage para muling makita ang idolo.

Groupie

Si Ryz Mendoza na bumiyahe pa galing Sharjah ay tuwang-tuwa ng mapanood ang performance ni Carlo. “Ang gwapo ni Carlo! Idol,” sabi ni Mendoza. 

Fans pa more

Cool na cool pa ring humarap sa TFC News si Carlo matapos ang kanyang performance.

“Inenjoy ko lang at yung makita ko sila, mga kababayan natin na nag-enjoy din, na masaya sila (ngayong) Independence Day, tapos sama-sama tayong mga Pilipino na sine-celebrate yung Independence Day sa ibang bansa, sobrang big deal yun,” sabi ni Carlo. 

Fans ni CArlo sa Dubai

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa, Africa at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.