PANOORIN: Pasilip ni Awra sa bagong bahay at lupa

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2017 03:54 AM

Malayo na ang narating ng child star na si Awra Briguela matapos mag-viral ang kanyang "Awrahan" video sa social media. 

Naging regular cast member siya sa top-rating teleseryeng "Ang Probinsyano," at nabigyan din ng pagkakataong makasali sa talent search na "Your Face Sounds Familiar Kids" kung saan siya'y nag-grand champion. 

Mula sa kanyang pagkakapanalo, nag-uwi si Awra ng medalya, tropeo, P1 milyon, house and lot, at trip for four sa Jeju, South Korea.

Dalawang buwan matapos nito, opisyal nang nai-hand over kay Awra at sa kanyang pamilya ang pa-premyong bahay at lupa. 

Dalawang palapag ang bahay na may 54 square meters na floor area, at nakatirik ito sa isang exclusive subdivision. 

Kaya naman lubos ang pasasamat ni Awra sa tuloy-tuloy na agos ng blessings sa kanyang pamilya. 

Narito ang pasilip ni Awra sa kanyang bagong bahay at lupa: