Ilan pang celebrities, nabakunahan na kontra COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilan pang celebrities, nabakunahan na kontra COVID-19

Ilan pang celebrities, nabakunahan na kontra COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Patuloy ang pagpapabakuna ng mga bituin kontra COVID-19.

Kabilang sa mga nagbakuna sina Meryll Soriano, Vina Morales, Daniel Matsunaga at Rodjun Cruz.

Sa Instagram, ibinahagi ng mga bituin ang mga retrato ng kanilang pagpapabakuna.

Bagama't kabado noong una, ibinahagi ni Morales na naturukan na siya ng unang dose ng bakuna.

ADVERTISEMENT

"I was actually nervous but hindi naman pala masakit. I told the medical frontliner na hindi naman pala masakit tapos biniro ako 'pag hindi masakit, pati sa kabila daw. Thank you to all the hardworking medical frontliners and volunteers. Saludo po ako sa inyo. Thank you to my Kapamilya, 'Marry Me Marry You' family. Yey I am ready to enter the bubble for the 2nd cycle," ani Morales bilang caption sa kanyang post.

Isang retrato kasama naman ang partner na si Joem Bascon ang ibinahagi ni Soriano sa kanyang Instagram.

Sa caption, isinulat ni Soriano ang mga salitang "Fully vaccinated! Yassss!"

Sa Quezon City naman naturukan ng kanyang unang dose si Daniel Matsunaga.

"Just got my first jab of vaccine against covid!! lets all do our part of getting vaccinated," ani Matsunaga.

Sa kanya namang post, ibinahagi ni Cruz na naturukan na siya ng kanyang pangalawang dose.

"Fully Vaccinated! Thank you Lord," ani Cruz.

Ang mga artista at iba pang entertainment workers ay kabilang sa A4 priority group na kalipikadong mabakunahan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.