Maymay, may hugot sa pag-abot ng pangarap

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 11:33 AM | Updated as of Jun 24 2019 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Usap-usapan ngayon ng netizens ang post ni Maymay Entrata sa kanyang Twitter account.

Sa kanyang post sinabi ni Maymay na bagamat ginagawa niya ang lahat para maabot ang kanyang pangarap, mas maganda raw kung makakamit ito ng patas at sa tamang paraan.

"Lahat gagawin natin para sa pangarap. Pero mas maganda kapag nakamit natin ang ating mga pangarap na walang tinatapakang tao. Lumaban ng patas. Magpakatotoo pero sa tamang paraan," ani Maymay sa Twitter.

Maraming sumang-ayon sa kanyang post.

Inaalay naman ni Maymay ang blessings na natatanggap niya sa mga taong nagbibigay ng tiwala sa kanyang kakayahan.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 24, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.