Buhay ni 'Manoy' sinariwa, binigyang pugay sa kaniyang lamay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buhay ni 'Manoy' sinariwa, binigyang pugay sa kaniyang lamay

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Jun 22, 2019 03:17 PM PHT
|
Updated Jun 22, 2019 07:31 PM PHT

MAYNILA – Kahit nagluluksa, pawang masasayang kuwento pa rin ang inalala ng mga naging katrabaho ni Eddie Garcia sa kaniyang lamay sa Heritage Park noong Biyernes ng gabi.

Iba't ibang henerasyon ng mga taga-industriya ang nagsama-sama para sa pag-alala sa batikang aktor, na walang inurungang pagganap sa 7 dekada niya sa showbiz.

Kani-kaniyang paglalarawan ang celebrities sa kanilang pagbibigay pugay kay “Manoy.”
"He is a good actor, he's very versatile, he is very serious about his craft," ani Tirso Cruz III.

"Naiinggit ako sa kanya. He died with his boots on, in action. Bibilib ka sa kanya. Sa edad na 'yon, nandiyan pa siya. Nasa circulation siya, respetado," anang direktor na si Carlo J. Caparas.

ADVERTISEMENT
"Noong mawala ang aking asawa, andiyan si Eddie... Nakita ko si Eddie Garcia, nagtatrabaho pa siya... Sila ang naging inspirasyon ko para magpatuloy. Sila ang dapat kong tularan," ani Susan Roces, biyuda ni Fernando Poe.

Bumisita rin sa lamay si dating senador Jinggoy Estrada at Sen. Richard Gordon.

Suportado naman ng ilan ang hakbang na gawing National Artist si Garcia.

"Of course, he is a legend in our business, at dapat lang siguro. It's too late, talagang dapat mas maaga-aga pa, pero huli man at magaling, okay pa rin," ani Richard Gomez.

Magtatagal hanggang Linggo, Hunyo 23, ang lamay ni Garcia.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Eddie Garcia
Manoy
showbiz
wake
Eddie Garcia wake
Heritage Park
TV Patrol
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT