MAYNILA (UPDATE) — Inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra ngayong Linggo na lumapit sa kanilang kagawaran ang aktres na si Sharon Cuneta para panagutin ang nasa likod ng bantang panggagahasa sa anak nitong si Frankie Pangilinan.
Ayon kay Guevarra, nagpahayag ang "Megastar" na maghahain ito ng kasong kriminal laban sa detractor ng 19 anyos nitong anak.
Pinayuhan umano ni Guevarra si Cuneta na i-establish muna ang identity at kinaroronnan ng taong nasa likod ng post.
Pero mukhang nakalap na ni Cuneta ang pangalan, lokasyon at maging address ng employer ng naturang nagbanta sa anak nito, ayon kay Guevarra.
"Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify the respondent's identity and address for the purpose of giving him notice," sabi ni Guevarra.
Ayon kay Guevarra, kahit naninirahan sa ibang bansa ang offender, maaari pa rin itong ireklamo ni Cuneta dahil wala umanong "border" kapag sa cyberspace ginawa ang isang aksiyon.
"If an essential element of the offense was committed in cyberspace which is virtually borderless, the offended party may file a criminal complaint here even if the respondent is residing abroad," ani Guevarra.
"Should the complaint prosper, however, our courts must acquire jurisdiction over the person of the defendant before he could be tried," dagdag ng kalihim.
Si Frankie ay anak ni Pangilinan kay Sen. Francis "Kiko" Pangilinan.
Naging laman ng mga balita si Frankie matapos siyang bumuwelta sa broadcaster Ben Tulfo ukol sa rape culture sa Pilipinas.
-- May ulat ni Mike Navallo, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Department of Justice, Sharon Cuneta, Frankie Pangilinan, rape, #HijaAko