PatrolPH

JC Alcantara nagkomento sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Tony Labrusca

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2021 08:50 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Mahigit 40 celebrities ang pumirma ng talent management contract sa Star Magic kamakailan.

Kabilang dito ang mga seasoned actors gaya nina John Arcilla, Sandino Martin at singer-actress na si Angeline Quinto, pati mga bagong artista gaya nina Kaila Estrada, Vance Larena, Paolo Gumabao, Jake Ejercito, JC Alcantara, at marami pang iba. 

Hiningan ng reaksyon si Alcantara ukol sa kontrobersyang kinasangkutan ng co-star niya sa "Hello Stranger" na si Tony Labrusca na inireklamo ng pananakit at pambabastos. 

"Kilala ko si Tony. Mabait po siya. Alam kong kaya niya itong lampasan itong problem na nangyayari sa kanya... Nandiyan ako sa tabi mo Tony, sana maging okay na," sabi ng aktor.

"Okay naman po siya, positive naman po pero 'yun nga lang may stress," dagdag ni Alcantara nang tanungin kung nakausap na niya si Labrusca.


— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.