Ricky Lee, sa TV Patrol nalaman na National Artist na siya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ricky Lee, sa TV Patrol nalaman na National Artist na siya

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Jun 14, 2022 05:26 PM PHT

MAYNILA — Sa balita ng "TV Patrol" nalaman ng Filipino screenwriter na si Ricky Lee na siya'y hinirang bilang National Artist for Literature na, pag-amin ng alagad ng sining nitong Lunes.

Kwento ni Lee sa ABS-CBN Teleradyo, maghahapunan na sila nang iabot ng kanyang assistant ang screengrab ng balita sa primetime newscast.

"Nung Friday ng gabi, nasa isang resort kami sa Los Baños, gabi na, magdi-dinner na kami. Then, biglang sinabi ng assistant ko sa ’kin na may na may nagpadala sa kanya ng screengrab nung news na lumabas sa 'TV Patrol' na nakalagay ‘yung pangalan ko," saad ni Lee sa ABS-CBN Teleradyo.

Ayon kay Lee, wala pa siyang natatanggap na pormal na liham na nagsasabing siya ay isa nang National Artist for Literature kaya naman hindi niya alam ang mararamdaman sa mga sandaling iyon.

"Wala akong alam kasi wala namang nag-email, wala namang nagsabi; doon ko lang nalaman nung gabing ‘yon. Although alam kong nominated pero alam ko naman na hindi pa ako napipili, nominee pa lang, so nagulat ako," aniya.

Dagdag pa niya, magdamag na lang siyang nagpasalamat sa mga bumabati sa kanya para sa kanyang bagong achievement.

"Kaya bago ako naka-react, bago ko malaman kung matutuwa ba ako or kung anuman ang reaction ko, hindi na ako naka-react kasi ang dami nang nagte-text so nagre-react na lang ako roon sa reaction ng mga kaibigan ko at workshoppers na nagte-text buong magdamag," aniya.

Pagbabaliktanaw ni Lee, hiling na talaga niya noon pa man na makapagsulat ng mga kwento tatagos sa damdamin ng mga mambabasa.

"Nagsimula ako bilang short story writer noong college and napunta ako ng journalism and then saka ako napunta sa pelikula. And doon ako sa pelikula nagtagal bago ako nag-sideline saglit sa theater and then TV, mostly pelikula," ani Lee.

"Bata pa ako, basa na ako nang basa ng komiks. Nagsimula sa komiks eh, kababasa nang basa ng komiks and then magazine that time ng mga serial, mga nobela sa magazine and then napunta sa libro, so kung may modelo siguro ‘yung mga nababasa ko na noon kasi bata pa naiinggit ako sa kanila na ‘yung mga binabasa ko nagkukwento parang gusto ko ng ganito, nagkukwento," dagdag pa niya.

Nais ng screenwriter at isa ring nobelista na mas marami pang tumangkilik sa mga likhang sining niya sa porma ng nobela.

"‘Yung epekto sa ’kin nun gusto kong magawa ko ring epekto sa ibang magbabasa sa susulatin ko. So, noon pa man, gusto ko na talagang maging writer, magkwento," ani Lee.

"Ang talagang panaginip ko o pangarap ko ay ‘yung magkaroon ako ng milyun-milyon na nagbabasa ng mga sinusulat ko. Maraming nanonood ng pelikula eh, millions eh, pero ‘yung mga nobela, libo lang eh, kakaunti. ‘Yun talaga ang pangarap ko na sana rumami ang nagbabasa ng nobela ko."

Kilala si Lee sa kanyang mga pelikula tulad ng "Himala," "Sa Kuko ng Agila," "Anak," "Madrasta" at marami pang iba at nakakuha rin siya ng mga parangal mula sa Gawad Urian, PMPC at iba pang award-giving body.

Kilala rin siya sa kanyang nobelang pinamagatang "Para kay B" na aniya'y magkakaroon ng kasunod na nobela ngayong 2022.