Nora Aunor, Ricky Lee kabilang sa mga bagong hirang na National Artist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nora Aunor, Ricky Lee kabilang sa mga bagong hirang na National Artist

Nora Aunor, Ricky Lee kabilang sa mga bagong hirang na National Artist

Mario Dumaual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 11, 2022 12:48 AM PHT

Clipboard

Nora Aunor. FILE/Cinema One
Nora Aunor. FILE/Cinema One

‘Labis ang kasiyahan ng aking puso’ - Nora Aunor

(UPDATED) Inihayag ngayon ng Malacanang ang paghirang sa mga bagong National Artist ng bansa sa pamamagitan ng anunsyo ng pinuno ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na si Nick Lizaso.

Kabilang sa napili sina Nora Aunor at Ricardo Lee para sa pelikula, Fides Cuyugan Asensio sa musika, Gemino Abad para sa panulat at literatura, at si Agnes Locsin para sa sayaw.

Nahirang ding national artists ang mga yumaong sina Marilou Diaz Abaya sa pelikula, Tony Mabesa sa teatro, at si Salvacion Lim Higgins para sa fashion.

Sa kaniyang pahayag sa ABS-CBN News Biyernes ng gabi, sinabi ni Lee na utang na loob niya ang parangal sa lahat ng mga kumupkop sa kanya.

ADVERTISEMENT

“It’s been a very long journey mula nang lumayas ako sa Daet at lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran. Pero all this time, sa lahat ng mga highs and lows, never akong tumigil magsulat para sa ibang tao,” sabi ni Lee. “Lagi kong iniisip na mas mahalaga sila kaysa sa akin, kaya kailangan ko silang kuwentuhan.”

Nagbigay din ng pahayag ang anak ni Salvacion Higgins na si Mark Higgins sa ABS-CBN News.

“With my deepest thanks to the NCCA and the CCP as well as the Office of the President for this honor. I hope my mother’s body of work will continue to inspire artists and designers for generations to come,” ani Higgins.

Lingid sa kaalaman ng marami, matagal ding naghintay si Asensio sa pambansang parangal.

“My message would be never give up,” sabi niya sa ABS-CBN News. “If it’s God's will it will come to pass! This is actually the fourth time that I have been nominated.”

Binanggit din ni Asensio ang kanyang tatlong anghel de la guardia na sina Alegria, Angel, at Ena pati na ang kasamang si Joy Rago at ang buong University of the Philippines music department na patuloy na nagtataguyod sa kanya.

Masaya din daw siya na nakuha rin ang ka-kontemporaryo niyang si Mabesa ang parangal.

Humabol din ang pahayag ni Aunor sa ABS-CBN News.

Ayon sa superstar, hindi pa rin siya makapaniwala na nakamit na niya ang parangal na ilang taon ding ipinagkait sa kanya.

“Wala pa akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso para po sa lahat na nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako’y mahirang na isang National Artist for Film,” ani Aunor.

“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa Mama at Papa ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila mula noon hanggang ngayon. Maraming salamat po sa ating mahal na pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito.”

Inaasahan ang pagdaos ng paggawad ng National Artist Awards sa susunod na linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.