'Pagod na pagod na ako!' Eksena nina Shaina Magdayao, Angel Aquino sa 'Probinsyano,' umani ng papuri | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pagod na pagod na ako!' Eksena nina Shaina Magdayao, Angel Aquino sa 'Probinsyano,' umani ng papuri

'Pagod na pagod na ako!' Eksena nina Shaina Magdayao, Angel Aquino sa 'Probinsyano,' umani ng papuri

Miguel Dumaual,

ABS-CBN News

Clipboard

Shaina Magdayao at Angel Aquino sa isang eksena mula sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’ ABS-CBN
Shaina Magdayao at Angel Aquino sa isang eksena mula sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’ ABS-CBN

Umaani ng papuri sa social media ang madamdaming eksena tampok ang mga karakter nina Shaina Magdayao, Angel Aquino at iba pa sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na ipinalabas nitong Martes.

Sa naturang episode na pinamagatang “Malubha,” nagtalo ang mga miyembro ng Task Force Agila sa mga susunod nilang hakbang, matapos mabaril at madakip si Cardo (Coco Martin).

Dahil hindi nila tiyak kung buhay pa ang lider ng grupo, ilan sa mga Agila ay nawalan na ng kumpiyansa sa kanilang laban, at sinabing marahil ay oras na para sumuko at magsimula ng tahimik na buhay.

“Akala ko ba mga agila kayo?” sambit ni Diana, ang karakter ni Aquino. “Nawala lang si Cardo, nalimutan niyo nang lumipad? Ayaw niyo nang makipaglaban? Ngayon pa ba? …Hindi ito ang panahon para panghinaan tayo ng loob! Tayo na lang ang lumalaban para sa bansang ito. Tayo na lang!”

ADVERTISEMENT

Sagot ni Roxanne, na ginagampanan ni Magdayao: “Pasensya na, general! Pero ang tagal na nating ipinaglalaban kung ano’ng pinaniniwalaan natin, pero pilit tayong isinusuka ng bansang ‘to!

“Pagod na pagod na akong makipaglaban. Gusto ko na lang bumalik sa pamilya ko. Sila ang pinaka-importante sa akin ngayon.”

Watch more News on iWantTFC

Ngunit hindi roon natapos ang bangayan ng mga Agila. Muntik pa itong mauwi sa suntukan nina Victor (Raymart Santiago) at Ramil (Michael de Mesa), na natigil lang nang pumagitna si Delfin (Jaime Fabregas).

Sa mga komento sa social media, bumuhos ang papuri sa cast. May ilang nagsabi na ipinakita ng eksena ang pagiging tao ng mga Agila, na madalas ay nakikitang nakikipagbarilan; habang may iba na ihinambing ang mga linya ni Magdayao sa katatapos lang na halalan.

“Ang ganda ng scene na ito, lahat sila sobrang galing, lahat nag-shine,” ani JM CG sa YouTube. “Ayos 'yung ginawa ng writers na nagkaroon ng moment of vulnerability ang mga agila, 'yung tipong nag-aaway sila pero nauunawaan mo lahat ng pinanggagalingan nila.

“This is one of the saddest scenes yet,” komento ni Sean Brillante. “The arguments, the sadness, the grief. All in one scene. The actors really did a good performance here.”

“Naiyak ako!” dagdag ni Lizgrate. “Iba’t ibang saloobin nasa isip. Ganito din tayo sa life natin. Kung may mga pagsubok gusto na agad bumigay. Mabuhay ka Cardo para balik-sigla na mga kasamahan mo.”

Mapapanood ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, WeTV, at iflix.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.