Paolo Gumabao bibida sa pelikulang ‘Lockdown’ ni Joel Lamangan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paolo Gumabao bibida sa pelikulang ‘Lockdown’ ni Joel Lamangan

ABS-CBN News
Published Jun 08, 2021 08:08 PM PHT

Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida sa pelikula ang aktor na si Paolo Gumabao sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.

Si Gumabao ang napiling gumanap sa pangunahing karakter ng “Lockdown” na iikot sa mga pagsubok na kinaharap ng isang lalaki upang mabuhay sa gitna ng pandemya.

Makikita rin umano sa pelikula kung anong klaseng buhay ang pipiliin ng karakter ni Gumabao.

“‘Lockdown’ is a timely drama featuring Paolo Gumabao in his first starring role. It’s a poignant story about the struggle of a young man to survive the global pandemic and the naked truth about the life he chose to live,” ayon sa inilabas na poster ng Star Magic.

Ayon sa ulat ng PUSH, ito na ang pinakamapangahas na pelikulang ginawa ni Gumabao mula sa panulat ni Troy Espiritu na nasa likod ng mga award-winning films na "Ma Rosa" at "Alpha: The Right To Kill."

Makakasama ni Paolo sa pelikula sina Max Eigenmann, Jim Pebanco, Ruby Ruiz, and Angellie Nicholle Sanoy.

Nakatakdang mapanood ang “Lockdown” simula Hulyo 23 sa live streaming platform na KTX.ph.

Huling napanood ang aktor sa iWantTFC horror anthology na “Horrorscope.” Nakilala rin ito noong 2019 sa kaniyang karakter sa iWant original series na “Mga Batang Poz” na tumatalakay sa iba’t ibang kuwento ng mga Pinoy teenager na mayroong HIV.

Naging parte rin ito sa ABS-CBN series na “Oh My G!” ni Janella Salvador at pelikulang “Haunted Mansion” noong 2015.