Moira dela Torre, binalikan ang kuwento ng awiting 'Malaya' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Moira dela Torre, binalikan ang kuwento ng awiting 'Malaya'

Moira dela Torre, binalikan ang kuwento ng awiting 'Malaya'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Ngayong taon ay ang ika-5 anibersaryo ng "Malaya," ang kantang pinasikat at nagbigay-daan sa karera ni Moira dela Torre bilang isang mang-aawit.

"It's been a long-long journey. Pero ang naiisip ko lang lagi is grabe yung freedom and joy na nabibigay ng Panginoon sa atin," pauna ni Dela Torre sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Dela Torre, ang 'Malaya' ay awit na isinulat niya bilang paalaala sa sarili.

"Noong sinulat ko kasi itong 'Malaya' I know that it sounds like it's a heartbreak song, I know na may pinapalaya kang tao, ganyan. It was actually a note to self na pinapalaya ko ang sarili ko sa negativity and sa mga bagay na hindi ko kayang kontrolin," ani Dela Torre.

ADVERTISEMENT

"It was basically reminding myself na just like everything lilipas din 'yan, na tulad ng gabi ay darating din ang umaga," dagdag ng mang-aawit.

Matatandaang ginamit ang "Malaya" bilang isa sa mga awitin ng pelikulang "Camp Sawi."

Watch more News on iWantTFC

Samantala, sa naging pagbisita ni Dela Torre sa "Magandang Buhay" ay naging bukas din ito sa hiwalayan nila ng kanyang mister na si Jason Hernandez.

Ayon kay Dela Torre, kaya niya ang magpatawad at malaya siya dahil sa pagmamahal ng Diyos sa kanya.

"I may feel like a broken glass right now but God can make me a diamond again. And I know I will be whole again. I know he will be whole again. Mag fail man lahat sa buhay ko, I know God never will. Alam ko sa puso ko na true love exists. And in my life it may not be in human form but it exist in my life because God is with me. And because He is with me I can forgive dahil may Diyos ako sa buhay ko malaya ako," ani Dela Torre.

Ikinasal sina Dela Torre at Hernandez noong Enero 2019.

Kaugnay na videos:

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.