Pepe Herrera at Kim Molina, bibida sa 'MMK' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pepe Herrera at Kim Molina, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News
Published Jun 03, 2021 11:13 AM PHT

MAYNILA -- Muling magsasama sina Kim Molina at Pepe Herrera para sa espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ngayong Sabado, Hunyo 5.

Ito ang unang beses na bibida ang dalawa sa inaabangang programa ng Kapamilya network.

Sa nakaraang press conference para sa mga bagong episode ng "MMK" ngayong buwan ng Hunyo, ibinahagi ng dalawa ang saya na muling magkatrabaho.

Matatandaang nakilala sina Molina at Herrera bilang parte ng sikat na Pinoy musical na "Rak of Aegis."

ADVERTISEMENT
"Sobrang excited ko noong sinabi na si Pepe ang kasama ko, kasi babalik ang tambalan namin. Siyempre paulit-ulit ko sinasabi na first ko nga at first din ni Pepe. Mas nagiging kampante ako kasi si Pepe ang kasama ko dahil we've been doing 'Rak of Aegis' for so many times. So 'yung connection namin ni Pe ay nandoon pa rin. So it was easier for me na makapag-eksena with him kasi alam ko na 'yung proseso ni Pe," ani Molina.

Nagbahagi rin sina Herrera at Molina ng mga bagong nadiskubre nila sa isa't isa habang ginagawa ang "MMK."

"I guess the more sensitive and the more vulnerable Kim and Pepe," ani Herrera.

"Yung discovery ko I think 'yung ibang side niya when it comes to TV and film because I have never work with Pepe in front of the camera sa stage lang po. So iba pala. ...This time around nakilala ko ang Pepe na sobrang dedicated sa kanyang craft kasi mas malalim pala siyang magtrabaho kapag dramahan," dagdag ni Molina.
Sa "MMK" episode na "14 Years of Love," bibigyang buhay nina Molina at Herrera ang nakakatuwang pagmamahalan nina Rose at JR, magkasintahang ipapakita na hindi batayan ang estado sa buhay sa pagpili kung sino ang mamahalin.
Sa nasabing episode na isinulat ni Joan P. Habana at idinirehe ni Raz dela Torre, ipapakita kung paano nabuo ang kuwento ng pag-ibig ng isang engineer na si Rose (Molina) at kanyang nobyong tricycle driver na si JR (Herrera) at kung ano ang mga pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon.

Mapapanood ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Para sa mga manonood na nasa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Related videos:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT