Sue Ramirez, binigyang diin ang halaga ng pagiging fit ngayong krisis | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sue Ramirez, binigyang diin ang halaga ng pagiging fit ngayong krisis

ABS-CBN News
Published Jun 02, 2020 02:42 PM PHT

MAYNILA — Binigyang diin ng aktres na si Sue Ramirez ang importansiya ng pangangalaga sa katawan ngayong panahon ng krisis dala ng banta ng COVID-19.

Sa panayam sa “Rise and Shine” nitong Martes, sinabi ni Sue na mahalang mag-ehersisyo hindi lang para maging sexy, kung hindi para mapangalagaan ang sarili.

“Dati makulit ako. Ayaw ko talagang nagwo-workout. Nung tumatanda na-realize ko na importante pala talaga siya, hindi lang para sa itsura. Hindi ka nagwo-workout para sexy ka, maganda ka, hindi ganun. Nagwo-workout ka dahil inaalagaan mo ang sarili mo. So isang malaking bagay ‘yon. Dapat nage-exercise talaga tayo,” ani Sue.
“Nagwo-workout ako hindi para sexy ako tingnan; nagwo-workout ako para maganda ‘yung kalooban ko, healthy ako, ‘yung heart ko healthy at saka ‘yung pag-iisip natin ay healthy,” dagdag ng aktres.

Bago ang lockdown, abala si Sue sa serye ng ABS-CBN na “A Soldier’s Heart” kung saan ginagampanan niya ang karakter ng isang sundalo.

Ayon kay Sue, para na rin sa kanyang trabaho ay kailangan niyang alagaan ang pangangatawan sa pamamagitan ng pag-e-ehersisyo.

“Actually ‘yun siguro ang nag-push sa akin to stay fit. Kasi gumawa ako ng isang action movie ‘Kid Alpha One.’ Saka pinagsabay ko sila ng ‘A Soldier’s Heart.’ So kaming mga artista kailangan talaga namin to live up to the role that we are portraying para pinapaniwalaan ng mga tao. So kailangan ko maging fit dahil unfair naman sa mga boys na kasama ko na nagsipag sila mag-workout. Responsibilidad ko ‘yon as a na actress to live up to the role at sa expectation of the character na kailangan fit siya kasi sundalo siya,” ani Sue.

Isa si Sue sa mga bida ng pelikulang “Love Lockdown” na mapapanood na sa iWant.