SB19, ibinahagi ang OPM artists na nais makatrabaho | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SB19, ibinahagi ang OPM artists na nais makatrabaho

SB19, ibinahagi ang OPM artists na nais makatrabaho

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Ilang bigating OPM artists ang pangarap na makasama ng P-pop supergroup na SB19.

Sa pagharap nina Justin, Stell, Ken at Josh sa programang "Sakto" ng TeleRadyo nitong Lunes, ibinahagi ng grupo na ilan sa mga nais nilang makatrabaho ay ang The Juans, Ben&Ben at si KZ Tandingan.

"Sa totoo lang marami, individually marami. Pero as group nandiyan po sa local, siguro kami gusto namin maka-(collab) katulad ng The Juans, Ben and Ben, KZ Tandingan," ani Josh.

"Siyempre po Sarah Geronimo, Mr. Pure Energy Gary Valenciano. 'Yung kapag naiisip po namin ano pa ang kaya nating gawin o ano pa ang kaya nating ma-offer with the other artists.... Kung mayroon pa pong Salbakuta, why not? Sobrang OG noon kapag naka-collab namin ang Salbakuta o si Sir Gloc-9.'Yung mga ganoong collaboration," dagdag ni Stell.

ADVERTISEMENT

Kung international artists naman ang pag-uusapan, ilan sa mga pangarap nilang makatrabaho ay sina Bruno Mars at Post Malone.

"Chris Brown at Justin Bieber," dagdag naman ni Ken.

Matatandaang gumawa ng kasaysayan ang SB19 bilang unang Pinoy na grupo na naging nominado sa katatapos lang na 2021 Billboard Music Awards bilang Top Social Artist of the Year, kung saan nakahanay nila bilang nominado sina Ariana Grande, Seventeen, at Blackpink.

Ang sikat na K-pop group na BTS ang nag-uwi muli ng Top Social Artist award.

Sa programa, nagbahagi rin ang grupo tungkol sa kanilang pinakabagong awitin na "MAPA" na kasunod ng trending single nila na “What?”

ADVERTISEMENT

"Ginawa po siyang kanta para sa mga magulang natin. Parang sa word ng 'MAPA,' sila ang guide natin papunta sa mga pangarap natin. Sana po mapakinggan niyo po ang kanta, maiparinig niyo po sa mga magulang niyo since lagi silang nakabantay sa atin, lagi nila tayong inaalagaan. So itong kanta na ito ay para ma-comfort natin sila," ani Justin.

"Hindi lang para sa mga magulang kung hindi para sa parent figures din. Pwede niyo itong i-share sa kanila," dagdag ni Josh.

Nang maitanong naman kung saan nanggaling ang linyang "lataratara" ng "MAPA," sagot ni Stell: "Ang lagi pong ini-explain sa amin ni Pablo nung isinulat niya 'yung part 'lataratara' parang every time na may time siya magpahinga, parang naka-space out lang siya. Parang naririnig niya sa utak niya 'yung time na parang hinihele siya ng lola niya. So parang may time na pinapatulog siya parang 'la ta-ra-ta-ra.'"

Sa ngayon ay abala rin ang grupo sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Pablo sa nalalapit nilang online concert sa Hulyo 18.

Bago naman matapos ang panayam, muling nagbahagi ang grupo ng mensahe sa kanilang mga tagahanga o ang A'TIN.

ADVERTISEMENT

"Gusto lang naming sabihin sa kanila na thankful kami always. Grabe parang kineep nila 'yung promise na always choose to be kind. Kineep nila ito as healthy comptition at super thankful ako sa ganoong ginawa nila. Thank you always. We love you guys! Grabe ang ginagawa niyo always for us. Sana magpahinga rin kayo. Give time to yourself and love yourself always," ani Josh.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.