Amy Perez, balik-'UKG' na rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Amy Perez, balik-'UKG' na rin

Amy Perez, balik-'UKG' na rin

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Balik-trabaho si Amy Perez sa muli niyang pagsabak sa pang-umagang programa ng ABS-CBN na “Umagang Kay Ganda" (UKG) na live na napapanood sa official Facebook page nito.

Nitong Biyernes, muling nakasama at nakakuwentuhan ni Amy ang mga kabarkada niya sa "UKG" na sina Jorge Cariño at Anthony Taberna.

Pag-amin ni Amy, na-miss niya ang kanyang mga kasamahan sa programa.

Pagbabahagi ni Amy, ngayong lockdown ay abala siya sa pagbibigay oras sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT

“Sobrang ini-enjoy ko ang moment na ito kasama ang mga bata. At talagang linis-linis dito sa bahay,” ani Amy.

Kuwento pa ni Amy, pagkalipas ng 20 taon ay muli siyang nagbalik sa pagbi-bake.

At para sa muling pagbabalik niya sa "UKG," nagbahagi si Amy ng isang recipe na maaring lutuin ngayong lockdown.

Kasama si Chef Tatung Sarthou, ibinahagi ni Amy kung paano lutuin ang pork humba.

Narito ang muling pagbabalik ni Amy Perez sa "UKG."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.