Star Magic workshops, magsisimula na ngayong Hunyo online

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 01:55 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

MANILA — Magbabalik ngayong Hunyo ang Star Magic Workshops para sa mga nais na mag-artista habang nasa lockdown pa rin ang Metro Manila at maging ang ibang probinsiya dala ng coronavirus.

Sisimulan na ng pinakamalaking talent management sa bansa ang Online Acting, Dance, Voice, at Tagalog workshops mula sa mga guro ng mga sikat na bituin ngayon.

Ibabahagi rin ng Star Magic ang mga dapat gawin para makapagsimula sa industriya ng showbiz sa unang episode naman ng ng “Journey to Star Circle," kung saan makakasama sa kuwentuhan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Para sa mga katanungan tungkol sa Star Magic Workshops, bisitahin ang mga kanilang Facebook at Instagram accounts.

Maari ring mag-e-mail sa [email protected].