'Ang Probinsyano': Onyok, binawi na ng tunay na ina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Ang Probinsyano': Onyok, binawi na ng tunay na ina

ABS-CBN News
Published May 27, 2017 12:36 AM PHT
|
Updated May 27, 2017 04:04 AM PHT

Minahal ng marami ang karakter ng bibong batang si Onyok sa top-rating teleseryeng "Ang Probinsyano."

Bukod sa kanyang sikat na linya na "Hay, Naku!" nakilala si Onyok dahil sa kanyang likas na husay sa pag-arte na ilang ulit niyang pinatunayan sa bawat mabigat na eksena.

Sa kanyang murang edad, tila natural kay Onyok ang pagluha at pagbitiw ng mabibigat na linya.

Si Onyok ay ang original "partner" ng bidang si Cardo (Coco Martin). Nagkakilala ang dalawa noong nadestino sa Botolan si Cardo para sa isang special mission. Mula noon, hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Kahit pa nang muling nagbalik ang tunay na ina ni Onyok para bawiin ito.

Sa halos dalawang taong pamamayagpag ng "Ang Probinsyano," marami nang pinagdaanan ang tambalang Cardo at Onyok. Sila ay naging magkasangga sa hirap at ginhawa, pagkapanalo at kapalpakan.

Kaya naman nang sa wakas ay muling nagbalik ang tunay na ina ni Onyok, marami ang nalungkot dahil tuluyan na nitong kukunin ang paslit mula kay Cardo.

Kahit mabigat sa kanyang damdamin, buong pusong ipinagkatiwala ng dating pulis si Onyok sa kanyang tunay na ina, na nangakong mamahalin at aalagaan niya itong mabuti.

Puno man ng luha ang kanyang paglisan, puno ng pag-asa si Onyok na sa wakas nahanap na niya ang taong magmamahal at mag-aaruga sa kanya ng buong buo-- higit pa sa kung ano ang kayang ibigay ni Cardo.