Gillian Vicencio, nagbalik-eskwela

ABS-CBN News

Posted at May 24 2023 03:26 PM

MAYNILA -- Nagbalik sa pag-aaral si Gillian Vicencio sa tulong ng Star Magic.

Ito ang ibinahagi ng aktres sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.

"Bumalik po ako sa school through Star Magic. Maraming, maraming salamat po sa Star Magic kasi sila po ang naging way para makapag-aral po ulit ako," aniya.

Watch more News on iWantTFC

Aminado si Vicencio sa hamon ngayong pinagsasabay niya ang karera at pag-aaral.

"Medyo mahirap din po 'yung sched talaga. Time management talaga at kung ano ang priority mo sa buhay," dagdag ng aktres.

Ayon kay Vicencio, na nahilig sa pagguhit, ay nag-aaral siya ngayon ng Multimedia Arts major in Animation. 

"Actually noong bata po ako mahilig ako [mag-drawing]. Sa tingin ko po kasi ay 'yun po yung pinakadikit sa film, kasi film po talaga ang gusto kong kunin," aniya.