KILALANIN: 2 bagong housemates ng PBB house

ABS-CBN News

Posted at May 24 2019 08:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ay ipinakilala na ang ilan sa ikalawang batch ng adult housemates ng Pinoy Big Brother.

Isa sa mga papasok ang 30 anyos na si Hasna Cabral, na tinaguriang "Ukay Nanay ng Cavite." 

Nagtrabaho si Cabral sa bangko hanggang sa itatag niya ang kaniyang ukay-ukay business online. 

"From banking pagka-resign ko andami kong office clothes na hindi na masuot sa bahay. I tried muna selling siya online then nagulat ako kasi in just two weeks naubos siya," aniya. 

Bukod sa pamilya, kumukuha si Cabral ng inspirasyon sa dalawang anak na may autism. 

"I'm here to become the big winner (of PBB) for my kids para talaga to financially support them kasi gustong gusto ko sila bigyan ng magandang kinabukasan," aniya. 

Papasok rin sa bahay ni Kuya ang "Summa Cum Lau Bae ng Tarlac" na si Sky Quizon. 

Bukod sa pagba-vlog ng mga napapanahong mga isyu, hangad din ni Quizon na maging news anchor. 

"I want to anchor TV Patrol, I want to do news reporting... I want to interview," ani Quizon. 

Handa na rin siya sa mga hamon ni Kuya pagpasok sa loob ng PBB house. 

Aabangan ang kanilang istorya sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya sa Linggo, Mayo 26. 

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.