Alex Gonzaga humingi ng tawad sa Parañaque mayor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alex Gonzaga humingi ng tawad sa Parañaque mayor

Alex Gonzaga humingi ng tawad sa Parañaque mayor

ABS-CBN News

 | 

Updated May 23, 2019 10:24 PM PHT

Clipboard

Humingi ng tawad si Alex Gonzaga sa reelected mayor ng Parañaque City na si Edwin Olivarez matapos niyang bitiwan ang pahayag na "may pagkamadugas" ito. ABS-CBN News

Humingi ng tawad ngayong Huwebes ang social media star na si Alex Gonzaga kay reelected Parañaque City mayor Edwin Olivarez matapos bitiwan ang pahayag na "may pagkamadugas" ito.

Noong mga linggo bago ang botohan noong Mayo 13, lumutang sa social media ang video ng pahayag ni Gonzaga kay Olivarez, na tila kinuhanan sa isang campaign sortie ng isang party-list na ineendorso ni Gonzaga.

"Dito sa last election, I was very invested because you know, my dad ran, my boyfriend. Siguro I was very emotional that time and alam niyo na, nagkakamali ang tao," ani Gonzaga.

"Noong nasabi ko iyon, actually, I felt na... mali 'yong nasabi ko. But then I went along. I said sorry din naman doon sa entablado na parang mali 'yong nasabi ko but it was too late," dagdag ni Gonzaga.

ADVERTISEMENT

Ang asawa ni Vandolph Quizon na si Jenny at si councilor Bong Benzon ang naging tulay para makahingi ng tawad si Gonzaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maluwag namang tinanggap ni Olivarez ang paumanhin ni Gonzaga.

Pinuri pa ng alkalde ang umano'y agad na paghingi ng tawad ni Gonzaga sa social media matapos bitiwan ang pahayag.

"Immediately sa social media, nag-apology agad siya. Hindi tumagal iyon at nabasa ko iyon," ani Olivarez.

"Lalo pa akong na-overwhelm na personally na pumunta siya rito," ani Olivarez.

Itinanggi rin ni Olivarez na idineklarang persona non grata sa lungsod, na nauna nang itinanggi ng munisipyo bago ang pagkikita ng 2 personalidad.

Ayon kay Gonzaga, ituturing niyang learning experience ang nangyari.

"Ayoko nang umakyat ng stage na emotional. I'm really, really sorry," ani Gonzaga.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.