Vhong, dinepensahan ang 'new look' ni John Lloyd

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at May 22 2019 01:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Sa pagpapakilala sa bagong cast ng sitcom na "Home Sweetie Home Extra Sweet" kasama sina Bayani Agbayani at Vhong Navarro, napag-usapan ang malapit nilang kaibigan na si John Lloyd Cruz na original na bida sa nasabing palabas.

Aminado ang dalawa na nami-miss nila si Lloydie na pahinga muna ngayon sa showbiz.

"Ako, natutuwa ako, kasi ang tagal ko na siyang hindi nakita. Alam mo si John Lloyd ang isa sa mga aktor na hinangaan ko sa pagkatao niya at saka sa kanyang pag-acting. At nakasama ko na rin siya sa abroad. Napakabait at napakagaling ng aktor ni John Lloyd. Ako ang isa sa mga nanghihinayang (at) dapat talaga bumalik siya sa showbiz dahil isa siyang kawalan kung wala ang John Lloyd sa industriya," ani Bayani.

Naikuwento rin ni Bayani na nagkita sila ni John Lloyd sa isang event kamakailan at sobrang natuwa siya nang makita ang aktor.

"Niyakap ko nga siya at nagkaroon kami ng pagkakataon na mag-holding hands. Nag-usap kami. Sabi ko, 'I miss you.' Sabi niya, 'I miss you too,'" ani Bayani.

Ayon naman kay Vhong, dapat respetuhin kung anuman ang gustong itsura ni Lloydie na madalas bigyang kumento sa social media.
 
"Kaibigan ko si Lloydie, so siyempre, respetuhin natin kung ano 'yung gusto niyang itsura. Kasi kanya-kanya tayo. Like ako, ito ang gusto ko, magguguhit ng buhok. Eh 'yun ang gusto niya, magpahaba ng buhok, respetuhin po natin 'yun," ani Vhong.

Bukod kina Vhong, Bayani at Toni Gonzaga, kasama sa cast ng "Home Sweetie Home Extra Sweet" sina Rio Locsin, Alex Gonzaga, Luis Manzano at ang "Pinoy Big Brother: Otso" adult big 4 members na sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.