'TNT' champ Lyka Estrella, emosyonal sa pagpapasalamat sa ina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'TNT' champ Lyka Estrella, emosyonal sa pagpapasalamat sa ina

ABS-CBN News
Published May 15, 2023 03:07 PM PHT

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Lyka Estrella, ang pinakabagong kampeon ng "Tawag ng Tanghalan," ang maging emosyonal sa pagpapasalamat sa kanyang ina dahil sa dedikasiyon, pagmamahal at suporta sa kanya.

"Siya ang lakas ko kada laban sa buhay ko. Siya po ang pinaghuhugutan ko ng lakas" ani Estrella sa "Magandang Buhay" nitong Lunes kasama ang kanyang inang si Brenda.

Ayon kay Estrella, Grade 6 lang siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Aniya, ginawa niyang inspirasyon ang nangyari para mapatatag pa ang sarili at matulungan ang kanyang ina.

"Siyempre sa una malungkot, pero ito po ay ginawa kong inspirasyon at saka motivation para maging independent ako sa sarili ko at hindi ako maging pabigat kay mama. Tinulungan ko rin po siya," ani Estrella.
Paalala naman ng ina ni Estrella sa anak na manatili ang kababaang loob at pagiging marespeto nito sa ibang tao.
Pangarap naman ni Estrella na mabigyan ng sariling petshop ang ina na aniya'y mapagmahal sa mga hayop.

Nito lamang Mayo 6 nang magwagi si Estrella, ang pambato ng General Santos City, bilang ika-6 na kampeon ng TNT.

Kaugnay na video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT