Karla Estrada, suportado sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Karla Estrada, suportado sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Karla Estrada, suportado sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

ABS-CBN News

 | 

Updated May 14, 2020 11:43 AM PHT

Clipboard

MAYNILA — Suportado ni Karla Estrada ang naging desisyon ng anak na si Daniel Padilla na magsalita kaugnay sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN nitong Mayo 5 dahil sa utos ng National Telecommunications Commission (NTC) .

Nitong Miyerkoles, Mayo 13, ipinahayag ni Daniel at maging ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo ang suporta nila sa Kapamilya network.

Aminado si Daniel sa lungkot na nararamdaman dahil sa nangyari sa ABS-CBN. Pero giit niya, bago siya maging artista ay Filipino siya at karapatan niyang magpahayag ng kanyang saloobin.

"Sa mga kapwa ko Pilipino, huwag ho nating talikuran ang pagiging makatao. Buksan ho natin ang mga puso natin para sa pinagdadaanan ng iba. At buksan natin ang mga mata natin para sa katotohanan. Mas mainam pa ang maging bulag kaysa sa nagbubulag-bulagan," ani Daniel.

ADVERTISEMENT

Samantala, sa kabila nang takot na naramdaman, nanindigan si Kathryn na maging boses para sa mga tao na karapatan ang mabigyan ng tamang impormasyon at maging ng libangan.

Sa Instagram nitong Miyerkoles ng gabi, iginiit ni Karla na karapatan ng kanyang anak at ni Kathryn na ipahayag ng malaya ang kanilang saloobin at ito ay dapat na respetuhin.

"Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Siguraduhing maging masaya sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. Feeling ko naman deserve nila DJ and Kath 'yun kasi nagtatrabaho silang mabuti at tumutulong sa pamilya sa abot ng kanilang makakaya. At kung may gusto po silang sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan, respetuhin po natin sila. Kahit hindi na bilang mga artista kung 'di bilang kapwa natin Pilipino,” ani Karla.

Giit diin ng “Magandang Buhay” host, sa krisis na hinaharap ngayon ang kailangan ay ang pagkakaisa para na rin masiguro ang kinabukasan ng mga kabataan.

"Maraming bagay ang walang katiyakan. Ang sa akin lang mga momshies ngayon higit kailanman, magkaisa tayo. Labanan natin ang krisis ng iisa. Kapit-kapit po tayo para sabay-sabay nating malampasan ang krisis at kahit papaano, masiguro na maganda ang kinabukasan ng ating mga anak,” ani Karla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.