PANOORIN: Vic at Coney, todo-suporta sa anak na si Vico | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Vic at Coney, todo-suporta sa anak na si Vico

PANOORIN: Vic at Coney, todo-suporta sa anak na si Vico

ABS-CBN News

 | 

Updated May 14, 2019 10:33 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Todo ang suporta ng Prinsipe ng Komedya na si Vic Sotto at dati nitong nakarelasyon na si Coney Reyes sa nag-iisa nilang anak na si Vico Sotto na inaasahang bagong alkalde sa Pasig City.

Matapos ang naging botohan, ilang oras nang nag-aabang sina Vic at Coney sa magiging resulta at nakaambang proklamasyon ng kanilang anak sa Pasig City Hall.

Ngayong umaga ay 97.07% na ang nai-transmit na election returns sa Pasig City.

Ang boto ni Vico ay 203,216 samantalang 117,742 naman ang boto na nakuha ng kalaban nitong si Bobby Eusebio.

ADVERTISEMENT


Sa dating panayam kay Vic, ibinahagi nito ang magagandang katangian ng kanyang anak na si Vico bilang isang mabuting lingkod bayan.

"When he was in law school, sabi ko, 'anong klaseng abogado ang gusto mo?' [Sabi niya] 'Gusto ko mag-PAO.' I think he will be a good leader kasi he is a very rightful person, God-fearing, has good values," ani Vic.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.