Baron Geisler, hindi kasama ang pamilya ngayong lockdown | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Baron Geisler, hindi kasama ang pamilya ngayong lockdown

Baron Geisler, hindi kasama ang pamilya ngayong lockdown

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hindi ngayon kasama ng aktor na si Baron Geisler ang kanyang pamilya sa Cebu, matapos siyang abutan ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Hindi na niya nagawang makauwi nang makansela ang ilang biyahe ng mga eroplano noong Marso 15.

Sa panayam ng PUSH, sinabi ni Baron na miss na miss niya na ang kanyang asawang si Jamie Evangelista at anak nilang si Talitha Cumi.

“Sobrang nakaka-miss 'yung mag-ina ko. 'Yung baby ko pa naman magti-three months na, tapos hindi ko man lang mayakap. Virtual hugs na lang palagi. Pagkatapos naman nito, makakauwi na rin ako. Mayayakap ko na rin ulit 'yung mag-ina ko,” ani Baron.

ADVERTISEMENT

At kahit malayo, sinabi ni Baron na maganda ang komunikasyon nilang mag-anak, bagay na ipinagpapasalamat niya sa kanyang asawa.

Panalangin din ni Baron na matapos na ang krisis dala ng coronavirus.

“Praying really hard that this pandemic ends ASAP. Can't wait to talk, hug and make gigil kay Talibaba,” ani Baron.

Bago ang lockdown ay nauna nang ipinakilala ni Baron ang kanyang anak sa publiko ng dalhin niya ito sa “Magandang Buhay.”

Samantala, ipinahayag din ni Baron ang sama ng loob dahil sa naranasan sa unang linggo ng lockdown nang hindi siya pinagbilhan ng gamot dahil sa hindi niya dala ang kanyang reseta.

Aniya, sa doktor niya sa Cebu nanggagaling ang reseta para sa kanyang maintenance medicine. Dahil dito ay pina-scan niya at ipinadala sa kanyang cellular phone pero hindi pa rin ito pinayagan ng drug store.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.