Sam Milby, handa na bang magpakasal? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sam Milby, handa na bang magpakasal?

Sam Milby, handa na bang magpakasal?

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Naging matipid sa pagsagot ang aktor na si Sam Milby sa usap-usapan kung nalalapit na din ba siyang ikasal.

Masaya ngayon si Sam sa relasyon niya sa nobyang si Mari Jasmine.

Sa panayam sa kanya nitong Miyerkules, sinagot ni Sam kung kailan nga ba siya lalagay sa tahimik.

"Basta I'm hoping within my 30s, gusto ko siyempre," ani Sam na magdiriwang ng kanyang ika-33 kaarawan sa Mayo 23.

ADVERTISEMENT

Aminado si Sam na halos lahat ng taong mga nakapaligid sa kanya ay mayroon ng asawa. "My very first friend buong buhay ko, 'yung kasal niya was last week," pag-amin nito.

Pero giit niya ayaw niyang magpadala sa pressure na kailangan na din niyang sumunod. "When you feel it's the right time, when you feel it's the right one, doon," ani Sam.

"I guess that's the plus side of being a guy -- You don't have that time frame na you feel pressured. But, of course, I want to still be at the good age to be able to play with my kids. I still want to be young enough to enjoy my youth. I don't feel to pressured. My dad was 49 when he had me, he's quite old, he's turning 83 this year," paliwanag ng aktor.

Kung saka-sakali at handa na siya, nais ni Sam na maging pribado ang proposal na gagawin niya.

"I think I want it more personal, more private," aniya.

Sa ngayon ay abala si Sam sa pag-promote ng kanyang bagong album na "Sam:12" at paparating na bagong pelikula.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.