'Batang Quiapo': Ano ang pangako ni Tanggol kay Mokang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Batang Quiapo': Ano ang pangako ni Tanggol kay Mokang

ABS-CBN News
Published May 09, 2023 09:45 PM PHT

"Tandaan mo 'to, hindi ka uuwi sa bahay niyo hangga't hindi nagiging tayo."

Ito ang mga salitang tinaga ni Tanggol (Coco Martin) kay Mokang (Lovi Poe) sa proseso ng pagbabago ng bida sa "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes.

Sa latest episode ng show, gustong patunayan ni Tanggol na karapat-dapat siya para sa dalaga.

"Diba, sabi ko sa'yo papakabait na ako, magbabagong buhay na ako para naman maging proud ka naman sa'kin, makita mo naman ako ang karapat-dapat para sa'yo," aniya.

Gusto namang makita ni Mokang kung kaya talagang panindigan ni Tanggol ang mga pangako niya.

"Wow ah! Kapal naman ng mukha mo, ako pa talaga ginawa mong rason para sa pagbabagong buhay, gusto ko munang makita 'no baka mapag-isip-isipan ko pa," aniya.

Hiling ng dalawa na sana'y maging maayos pa rin ang kanilang buhay sa bagong tatahakin na karera.

"Sana maayos 'yung trabaho natin, na kahit papaano may maiuuwi ako sa bahay, wala nga 'yung scholarship ko pero maipagmamalaki pa rin ako ni nanay at tatay," ani Mokang.

"Huwag kang mag-alala, Mokang, alam naman ng Diyos 'yung ginagawa natin, sigurado ako pagpapalain, bibigyan tayo ng magandang kinabukasan niyan, ihahanda tayo sa magiging pamilya natin para pagdating sa nanay at tatay mo tanggap na tanggap na tayo," biro ni Tanggol.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT