PANOORIN: Jolina Magdangal inawit ang ‘Chuva Choo Choo’ sa iba’t ibang emosyon

ABS-CBN News

Posted at May 06 2021 09:25 PM

Watch more News on iWantTFC

Muling binigyang kulay ng “Magandang Buhay” host at aktres na si Jolina Magdangal ang kaniyang 1999 hit song na “Chuva Choo Choo” matapos tanggapin ang hamon na awitin ito sa iba’t ibang klase ng sitwasyon. 

Sa video na inilabas ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel, game na sumabak sa “Chuva Choo Choo challenge” kung saan kinanta niya ito na excited, malungkot, galit, takot, at masaya. 

Parte ang nasabing awitin sa soundtrack ng pelikulang “Hey Babe” na pinagbidahan nina Magdangal at dati nitong onscreen partner na si Marvin Agustin noong 1999. 

Magbabalik-pelikula ngayong Mayo si Jolina kasama ang mga momshies ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros para sa “Momshies! Ang Soul Mo’y Akin.”

Watch more News on iWantTFC

Base sa lumabas na trailer ng palabas, magkakapalit ng katawan ang tatlong artista matapos magkrus ang kanilang mga landas. 

Ito ang unang pelikula nina Estrada, Magdangal, at Cantiveros na magkakasama matapos magkatrabaho sa unang season ng “Your Face Sounds Familiar” bago naging hosts ng morning talk show. 

Mapapanood ang pelikula ng mga Momshies sa mga digital streaming platforms tulad ng KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV and Cignal PPV.

 Related videos:

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC