Momshies Karla, Jolina, Melai magsasama sa isang pelikula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Momshies Karla, Jolina, Melai magsasama sa isang pelikula

Momshies Karla, Jolina, Melai magsasama sa isang pelikula

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 28, 2021 04:44 PM PHT

Clipboard

Mula sa website ng Star Cinema.

Bukod sa morning show na “Magandang Buhay,” aabangan na rin sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros sa kanilang unang pelikula na pinamagatang “Momshies! Ang Soul Mo'y Akin.”

Naunang pinost ng mismong direktor na si Easy Ferrer sa kaniyang Instagram account noong Linggo ang pelikula.

“Ipikit ang mata at mag-meditate, forget everything that you hate. Para iwas stress, mag-relax at 'wag iisiping Lunes na naman bukas,” ani Ferrer sa caption na may koneksyon sa mga kuha sa nasabing pelikula ng tatlong host.

Naglabas din ng ilang teaser photos sina Magdangal at Cantiveros sa kanilang Instagram accounts kung saan makikita ang mga ito suot ang makukulay na outfit sa isang piling eksena.

ADVERTISEMENT

“Friends are the family you choose na walang halong echos. Bardagulan kung mag-awayan, pero kung magbati hindi na mapaghiwalay 'yan!” pahiwatig ni Cantiveros sa caption nitong Martes.

“Lunes pa lang pero pang-Biyernes na ang pagod? 'Wag magagalit, dahil bukas pagod ka ulit!” saad naman ni Magdangal noong Lunes.

Ito ang unang pelikula nina Estrada, Magdangal, at Cantiveros na magkakasama matapos magkatrabaho sa unang season ng “Your Face Sounds Familiar” bago naging hosts ng “Magandang Buhay.”

Mapapanood ang pelikula ng mga Momshies sa mga digital streaming platforms tulad ng KTX.ph, iWant TFC, TFC IPTV, Sky Cable PPV and Cignal PPV.

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.