Ilang fans, lumuwas pa para sa concert ni Harry Styles | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang fans, lumuwas pa para sa concert ni Harry Styles

ABS-CBN News
Published May 02, 2018 09:37 PM PHT

Mainit ang naging pagtanggap ng mga tagahangang Pinoy sa unang solo concert sa bansa ng British singer na si Harry Styles sa Mall of Asia Arena noong Martes ng gabi.

Hindi mapigilan ang mga tagahanga sa kahihiyaw at pagsabay sa mga kanta ng 24 anyos na mang-aawit, na sumikat bilang miyembro ng boy band na One Direction.

Kinanta ni Styles ang kaniyang signature hit na "Sign of the Times."

Mistulang throwback naman nang kantahin niya ang "What Makes You Beautiful" at "Stockholm Syndrome," na hit songs ng One Direction.

Nagkaisa rin ang mga tagahanga sa pagsuot ng sunflower accessories.

"Iyak na ako nang iyak, hindi na ako makakanta halos," anang fan na si Andrea Esteron.

Lumuwas pa mula sa mga malalayong lalawigan patungong Maynila ang ilang fans para lang makita si Styles.

"He's our sunshine," sabi ni Ruth Valerie Catada, isang fan na mula pa Bacolod.

"Parang dream come true na makapunta sa concert niya as solo artist," anang fan na si Josephine Ku, na lumuwas pa mula Baguio.

Pero bago pa ang concert, ginulat ni Styles ang mga Pinoy nang madatnan siyang bumibili ng ice cream sa Bonifacio Global City sa Taguig noong Lunes.

Kumalat sa social media ang mga retrato ni Styles sa Taguig kasama ang mga masuwerteng tagahanga.

Unang bumisita si Styles sa Pilipinas noong 2015 nang magdaos ng concert ang kaniyang grupong One Direction bilang bahagi ng kanilang "On the Road Again" tour.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT