SB19 mananatili sa 'Pinoy Big Brother' house para sa weekly task | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SB19 mananatili sa 'Pinoy Big Brother' house para sa weekly task

Josiah Antonio,
ABS-CBN News
Published Apr 28, 2022 07:07 PM PHT

MAYNILA — Mananatili sa "Pinoy Big Brother" house ang P-pop group na SB19 para tulungan ang teen housemates sa kanilang weekly task.

Sa Thursday episode, tinipon ni Kuya ang mga teen housemates kasama ang grupo at inanunsyo na mananatili muna sila sa bahay para sa kanilang paghahanda sa concert challenge.

Kinakailangan mag-perform ang teen housemates ng limang kanta para sa kanilang concert kabilang na ang hit song ng SB19 na "Mapa."

Sa pagpasok ng SB19 sa confession room, inamin ng isang miyembro na si Pablo na matagal na nilang pangarap na makapasok sa "PBB."

"Actually, isa po sa mga vlog po namin nagbibiruan po kami na nasa bahay kami ni Kuya," pagbubunyag ni Pablo.

"Actually, pangarap din po namin makapasok sa Bahay ni Kuya. Siyempre po, gusto naming ma-experience ‘yung mga challenges, makihalubilo sa mga iba’t ibang klaseng tao," dagdag pa niya.

Hindi naman mapigilan ng teen housemates na maghiyawan nang pumasok na ang SB19 sa kanilang activity area at nag-perform ng kanilang debut hit na "Go Up."

"Para po akong nanonood ng TV pero nandiyan sa harapan ko kaya hindi ko po kaya talaga, Kuya, na itago ‘yung kilig ko, Kuya. Ang popogi po nila," pag-amin ni Tiff Ronato.

"Tumitingin si Justin sa aming direction parang tumatalon si Tiff, parang ewan, Kuya, pero ako naman tumatalon din ako. Sorry na," dagdag pa ni Stephanie Jordan.

Naging top trending topic ang SB19 at P-pop girl group na MNL48 sa mga snippets ng kanilang pagpasok sa Bahay ni Kuya.

Emosyonal ang former MNL48 member na si Gabb Skribikin nang makita ang mga dating kagrupo.

Mapapanood ang“PBB” araw-araw via Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, and TFC, at 24/7 livestreaming via Kumu.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT