ALAMIN: 'Road to recovery' ni JM de Guzman | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: 'Road to recovery' ni JM de Guzman

ALAMIN: 'Road to recovery' ni JM de Guzman

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 24, 2018 09:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa kaniyang muling pagbabalik-showbiz, ibinahagi ng aktor na si JM de Guzman kung ano ang mga hakbang na ginagawa niya patungo sa kaniyang muling pagbangon at pagharap sa entertainment industry.

Lead actor ngayon si De Guzman sa teleseryeng “Precious Hearts Presents: Araw Gabi” katambal ang teen actress na si Barbie Imperial.

Aminado ang aktor na natigil ang kaniyang showbiz career dalawang taon na ang nakakaraan dahil sa pagkalulong sa bisyo.

Para maiwasan ang mga pagkakamali noon, regular na dumadalo ang aktor sa therapy kasama ang kaniyang pamilya.

ADVERTISEMENT

“Meron po kaming monthly requirement to attend therapy sessions nu'ng peers ko sa 'loob,' kasama 'yung family namin para tuloy-tuloy 'yung support,” ani De Guzman.

Ibinahagi rin ni De Guzman ang mga aral na natutunan niya sa kaniyang "road to recovery."

"Kailangan maging humble pa rin. Ako, I seek help always sa recovery stage. Hindi naman siya natatapos agad eh, lifelong struggle ito. Kapag tumigil ako humingi ng tulong doon ako puwedeng madapa po ulit,” ayon kay De Guzman.

Sa muli niyang pagsabak sa showbiz, handa na umano si De Guzman para sa mga hamon na kaniyang haharapin.

"[S]a pinagdaanan ko ngayon, medyo skilled na 'ko with coping para ma-manage ko ang sarili ko sa oras ng dilim," aniya.

Magsisimula ang serye ni De Guzman at Imperial sa Abril 30 sa Kapamilya Gold.

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.