TikTok 'best actress' na si Robic Villanueva, pangarap maging artista

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 02:54 PM

MAYNILA — Inamin ni Robic Villanueva, ang binansagang “best actress” ng TikTok, na pangrap talaga niya na maging artista.

“Since birth talaga, ‘yon talaga (ang gusto ko),” ani Robic sa “Magandang Buhay.”

Ayon kay Robic, paborito niyang aktres sina Vilma Santos, Maricel Soriano at Maja Salvador.

Kuwento ni Robic, naging pampalipas oras para sa kanya ang pagti-TikTok lalo na kung pagod siya galing sa trabaho.

Nang matanong kung saan niya hinuhugot ang kanyang pag-arte at pag-iyak sa TikTok, sagot ni Robic: “Medyo ma-drama po talaga ang buhay po. Sa family. Parang nakaranas din po kasi ako ng depression. Kasi parang nakikita ko sa family ko, ‘oh my God, walang pagbabago. Ayaw ko kasi na nakikita sila na palaging nahihirapan.”

Ayon kay Robic, hindi niya inakala na mag-viral at maraming nagkagusto sa ginagawa niyang panggagaya sa mga mabibigat na eksena sa pelikula at teleserye, lalo’t pati patak ng mga luha at facial expression ay kuhang-kuha niya.

“Sobrang nabigla. Nakakatuwa po. Nakakataba ng puso kasi naa-appreciate nila ‘yung mga ginawa ko. Hindi ko po talaga akalain,” ani Robic.

At para sa mga manonood ng “Magandang Buhay” game na nagpa-sampol si Robic ng kanyang galing sa pag-arte.

Narito ang panayam ng “Magandang Buhay” sa viral TikToker na si Robic:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.