Julia Barretto, may bagong pananaw sa pag-ibig ngayong lockdown | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Julia Barretto, may bagong pananaw sa pag-ibig ngayong lockdown

ABS-CBN News
Published Apr 22, 2020 11:20 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Nagbago ang pananaw ni Julia Barretto pagdating sa pag-ibig ngayong panahon ng enhanced community quarantine dahil sa krisis dala ng novel coronavirus disease.

Sa “Magandang Buhay” nitong Miyerkoles, sinabi ni Julia na ito ang tamang panahon para maging mag positibo.

“Masarap mag-love. Masaya talaga. I think it’s the best time to really spread love, spread positivity and to make good relationships because I think in times of crisis like these parang kumakapit tayo talaga sa isa’t isa. Kailangan nagbi-build tayo ng stronger bond para to keep us sane lang,” ani Julia.

“Take care of your friends, take care of yourself, your personal relationships,” dagdag ng aktres na mas matatag ngayon ang relasyon sa kanyang pamilya maging sa kanyang sarili.

Matatandaang nitong Marso ay naging bukas si Julia nang matanong tungkol sa kontrobersiyal niyang post noong kanyang kaarawan kung saan ibinahagi niyang nagkaroon siya ng dinner kasama ang kanyang pamilya at isang "loved one." Sa nasabi ring post ay iginiit ni Julia na malaya na siya sa lahat -- maging sa pag-ibig.

Samantala, nang matanong naman ng “Magandang Buhay” host na si Karla Estrada kung ano ang mga bagay na natutunan niya ngayong panahon ng quarantine, sagot ni Julia: “With everything that’s happening nakakabigay siya ng new perspective sa atin lahat. Siguro for me nagbago ang perspective ko sa maraming bagay, like the moments na sana we didn’t take for granted kasi it’s easy for us to see our friends, see our families, go out and work, like normal. Siguro rin pinipili kung ano ang pino-problema sa life. May mga bigger problems pala na [haharapin] pa natin in the future. Iba eh. Nakakaiba lang siya ng perspective so mas pinapahalagahan ang mas malalaki na bagay sa life.”

“'Yung mga social media na dati ay kinaka-worry pa natin, ‘yung mga sinasabi ng tao ay walang-wala na pala talaga kasi mas marami pa palang mas mahalagang kailangang bigyan ng pansin,” dagdag ng aktres.

Isa si Julia sa mga personalidad na aktibong nagbibigay ng tulong sa frontliners na lumalaban sa COVID-19.

Kasama ang mga kapatid niyang sina Dani at Claudia ay nag-fundraising sila para makapagpatayo ng emergency quarantine facility sa Fe del Mundo Medical Center sa Quezon City.

“Ako kasi like my sisters nagdo-donate kami sa mga iba’t ibang fundraiser pero always private, hindi namin talaga masyado shini-share. So we help in private. Then may isa akong tinulungan na fundraiser and I want to look deeper into it so inaral ko siya. Then nakita ko na they were partnered up with this team who builds facilities. And inisip ko na I should call out my sisters, magsanib puwersa kaming tatlo to raise funds to be able to have one quarantine facility built. So nakipag-collaborate kami with the people na nagpapatayo ng mga facility,” kuwento ni Julia.