Awra, may tampo nga ba kay Vice Ganda?

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2017 01:56 AM | Updated as of Apr 11 2017 07:59 AM

Masayang-masaya ang child star na si Awra sa kanyang pagkapanalo sa unang-unang "Your Face Sounds Familiar Kids."

Pero aminado siyang na-disappoint nang malamang hindi manonood ng live ang kanyang "nanay" Vice Ganda sa kanilang grand showdown noong Linggo. 

Sa kanyang interbyu sa "Tonight With Boy Abunda," inamin ng child star na talagang nagtampo siya kay Vice. 

"Text po ako ng text sa kanya, tawag po ako ng tawag," sabi ni Awra. "Pero ayaw niyang sagutin." 

Ayon kay Awra, nais sana niyang makita kung gaano ka-proud ang "It's Showtime" host sa kanyang pagkapanalo. 

Bagama't nalungkot siya dahil absent si Vice, pinaliwanag naman raw nito ang rason kung bakit hindi siya nakasipot sa show. 

"Ayokong sabihin nila na nanalo ka dahil sa akin. Gusto kong isipin nila na nanalo ka dahil sa sarili mo," paglilinaw ni Vice kay Awra.

Sa kanyang winning performance, in-impersonate ni Awra ang American rapper na si Nicki Minaj sa pamamagitan ng kanyang hit song na "Super Bass." 

Nakakuha siya ng final score na 95.41%, sinundan naman siya ng "The Voice Kids Philippines" season 2 grand winner na si Elha Nympha. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.