Catriona Gray at iba pang bituin tampok sa Easter Sunday tribute sa COVID-19 frontliners | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Catriona Gray at iba pang bituin tampok sa Easter Sunday tribute sa COVID-19 frontliners

Mario Dumaual,
ABS-CBN News
Published Apr 08, 2020 03:45 PM PHT
|
Updated Apr 08, 2020 04:36 PM PHT

Video courtesy of Cornerstone/Erickson Raymundo
MANILA -- Kasado na ang all-star online tribute na “KanTAHANAN, Isang Pagsaludo sa ating mga Mahal na Frontliners” sa Easter Sunday.

Kakantahin ni Catriona Gray ang iconic song na "Imagine" sa show na ihahatid ng Cornerstone Entertainment sa Linggo, alas sais ng gabi.

May simultaneous live streaming ito sa Facebook page at YouTube channel ng Cornerstone Entertainment.

Mula rin sa kanilang mga tahanan, kakantahin nina Yeng Constantino ang “The Climb,” Angeline Quinto ang “May Bukas Pa,” Erik Santos ang “Sa ‘Yo Lamang,” KZ Tandingan ang “‘Wag Ka Nang Umiyak" at iba pang special numbers.

Kasama din nina Catriona sa proyekto sina Rachelle Ann Go, Moira dela Torre, Kyla, Jay R, Jaya, K Brosas, Jason Dy at Jason Marvin Hernandez.

Tampok din sa show ang partisipasyon nina KC Concepcion, Sam Milby, Julia Montes, Ruffa Gutierrez, Gretchen Ho, Jessa Zaragoza, Nicole Cordoves, John Prats, Kit Thompson, Pooh, Empoy, Gil Cuerva at Arron Villaflor.

Ito ang latest na bayanihan ng mga bituin na naglalayong suportahan ang mga medical workers at iba pang manggagawa sa panahon ng pandemic.

Tyinempo din ang show sa Pasko ng Pagkabuhay bilang pasasalamat sa grasya ng Diyos sa panahon ng hirap at ginhawa.