Erik Santos, ibinahagi ang aral na natutunan ngayong lockdown | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Erik Santos, ibinahagi ang aral na natutunan ngayong lockdown

Erik Santos, ibinahagi ang aral na natutunan ngayong lockdown

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Luzon dahil sa coronavirus disease (COVID-19), nawala ang halaga ng mga materyal na bagay para kay Erik Santos.

“Parang nawala ang attachment ko sa material things. ‘Yung kahit gaano kadami ang pera mo, kahit gaano kaganda ang mga gamit mo, hindi mo naman magamit kasi lagi kang nasa loob ng bahay,” ani Erik sa “Lunch with the Stars Live! sa Facebook nitong Martes kung saan nakasama niya rin ang kapwa Cornerstone artists na sina John Prats at Yeng Constantino.

“Ang isa sa reflection ko dahil sa lockdown na ito ay i-cherish mo 'yung relationship with your friends, relationship with your family. And mas experience ako now, mas gusto kong mag-invest sa magagandang experiences. After nito mas gugustuhin ko ang mag-travel kaysa bumili ng mga bagay na alam mong panandalian lang at hindi ganoon ka-permanente,” dagdag ni Erik.

Ayon kay Erik dahil maiksi lang ang buhay, sisiguraduhin niyang gagawin ang lahat ng mga bagay na hindi pa niya nasusubukan kapag natapos na ang lockdown.

“Ayaw ko pa munang sabihin pero marami akong naiisip. Something bold, something na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko. Life is short so gawin mo na ang gusto mong gawin,” aniya.

ADVERTISEMENT

Nangako rin ang mang-aawit na gagawa siya ng mga bagong awitin sa oras na matapos na ang krisis na kinakaharap ng bansa.

“Kapit lang. Magkikita-kita tayo muli at kapag nagkita tayo muli ay talagang hahandugan ko kayo ng maraming-maraming musika na alam kong ikakasaya ng inyong mga puso,” ani Erik.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.