PBB: Rob Blackburn muling may nakaalitan sa ‘Bahay ni Kuya’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBB: Rob Blackburn muling may nakaalitan sa ‘Bahay ni Kuya’

PBB: Rob Blackburn muling may nakaalitan sa ‘Bahay ni Kuya’

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 03, 2022 09:35 AM PHT

Clipboard

Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Nagkaroon ng tensyon sa loob ng bahay ni Kuya matapos muling makapagtaas ng boses si Rob Blackburn sa isang kasamang na ikinagalit ng iba pang housemates.

Naharap sa matinding punishment ang mga lalaking housemate matapos ang ginawang panloloko ng scammer na kumontrol sa virtual assistant ni Big Brother na K.E.A.

Dahil walang suot ng mga nametags ang boys housemates na ipinakuha nito kay Eslam El Gohari para sa ipinangakong tulong sa weekly task, pinarusahan ng scammer ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibitbit ng malalaking nameplate sa garden area.

Isa sa mga naging kondisyon nito upang matapos ang parusa ay ang umikot ang mga housemates ng naka-squat at bitbit ang mga nametag sa palibot ng swimming pool.

ADVERTISEMENT

Si Kai Espenido ang nagpaalala sa mga kasamahan ng instructions ni K.E.A. ngunit nasigawan ito ni Blackburn.

Nagulat si Espenido sa ginawa ni Blackburn at napaiyak na lamang. Narinig naman ito ni Stephanie Jordan na agad pinagsabihan ang kasama.

“Rob, next time you don't shout kasi hindi niya kasalanan 'to. Ang sama ng ugali mo, Rob,” pagdidiin ni Jordan.

Hindi maalis ang galit ni Jordan sa inasal ni Blackburn at ikinuwento sa iba pang girls housemates ang ginawa nito.

“Hindi tayo maging soft sa mga lalaking walang utak na ginagamit. Nagagalit na talaga ako,” mariing saad ni Jordan.

Nang matapos ang parusa, agad na tinanong ni Ashton Salvador si Blackburn sa nangyari ngunit tila hindi niya inakala na nasaktan pala si Espenido sa kaniyang ginawa.

“I have problems with communicating to other people. I have problems with connecting to other people. I have problems making friends everywhere I went,” paliwanag ni Blackburn.

Sinubukan namang kausapin ni El Gohari at ibang pang housemates si Blackburn upang ipaalala na mali ang ginawa nito ngunit humiling muna na ito na mas nais niyang mapag-isa.

Ayon sa kaniya, nahihiya umano siya sa nagawa at hindi magawang makatingin ng diretso sa mga kasama sa loob ng bahay.

Samantala, nagbalik na si Big Brother matapos ang pansamantalang pagkawala at hindi nito nagustuhan ang mga napanood habang wala siya sa kaniyang bahay.

Hindi ito ang unang beses na may nasigawan si Blackburn na kasama matapos mapagtaasan din ng boses ang nagmamalasakit na sina Maxine Trinidad at Stef Draper.

Akala umano nito ay niloloko siya ng dalawa at nais lamang pagtawanan.

Sa huli nadaan naman sa mabuting usapan ang nangyari at naipaintindi kay Blackburn na hindi maganda ang kaniyang ginawa.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.