No forcible entry: Pagkamatay ng American singer na si Keith Martin iniimbestigahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
No forcible entry: Pagkamatay ng American singer na si Keith Martin iniimbestigahan

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2022 01:10 PM PHT
|
Updated Mar 28, 2022 08:18 PM PHT

Patuloy na iniimbestigahan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sanhi ng pagkamatay ng American singer na si Keith Martin, na natagpuang walang buhay noong nakaraang linggo sa loob ng kaniyang condominium sa lungsod.

Sa inisyal na pagsusuri ng QCPD sa crime scene, walang nakitang forcible entry o walang palatandaang puwersahang pinasok ang condo unit ng "Because of You" hitmaker.

Ayon kay QCPD Director Brig. Gen. Remus Medina, noong Linggo pa lang pumayag ang pamilya na ipa-autopsiya ang bangkay ni Martin kaya sa loob pa lang nang 2 araw lalabas ang reuslta nito.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa kung may foul play sa pagkamatay ng singer.

ADVERTISEMENT
Ayon naman sa QCPD Public Information Officer, ipapa-autopsiya ang bangkay base sa permiso ng 14 anyos na anak ni Martin na nasa Pilipinas. Ang bata ay anak sa dating asawang Pinay.

Ang nasabing anak din umano ang nakikipag-ugnayan sa pamilya ni Martin sa Amerika.

"Sa pagpasok pa lang, wala tayong nakitang forcible entry... Wala rin tayong report na may firearm o bladed weapon sa lugar. But lahat, iiimbestigahan natin nang maayos ito," ani Medina sa panayam ng ABS-CBN News.

Gabi ng Biyernes ng matagpuang patay si Martin kasunod ng ulat ng mga kapitbahay sa condo building ukol sa masangsang na amoy sa kanilang floor.

Ayon kay Medina, Marso 20 pa huling nakitang buhay ang singer.

Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa US Embassy sa Pilipinas kaugnay ng insidente.

— Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT