Rowell Santiago at John Arcilla, nanawagan ng tulong para sa mga nangangailangan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Rowell Santiago at John Arcilla, nanawagan ng tulong para sa mga nangangailangan

ABS-CBN News
Published Mar 25, 2020 11:40 AM PHT

MAYNILA — Nanawagan ang mga aktor na sina Rowell Santiago at John Arcilla sa publiko na magbigay tulong sa mga nangangailangan sa gitna nang pakikipaglaban ng mundo sa pandemikong sakit na COVID-19.

Ginawa nina John at Rowell ang panawagan sa ginanap na "Pantawid ng Pag-ibig: At-Home Together Concert" nitong Linggo.

“May maririnig ka sinasabi nila na hindi nga kami mamatay sa COVID-19 eh mamatay naman kami sa gutom, which is very valid. Kami rin po ay nag-aalala sa mga kababayan natin na kung hindi lalabas ng bahay ay hindi kakain. Kaya lahat po tayo ay nag-iisip paano makakatulong sa kababayan natin. Ang tulong natin sa kababayan natin ay tulong din natin sa ating sarili kasi lahat naman ay interrelated. Kaya humihingi kami ng panalangin, hindi lang para sa ating mga mamayan kung hindi sa mamayan ng mundo at magtulungan tayo,” ani John.

“Parang bumabalik tayo sa basic. Sino o ano ba ang mahalaga talaga. Parang ang mahalaga lang talaga ay ang pamilya. Tapos doon tayo magtutulong-tulungan. Titingnan natin kung kumusta ba ang isa’t isa. Sapat na ba ‘yung makakain natin. Bilang Kapamilya, kailangan nating tugunan ang mga Kapamilyang nangangailangan, sa mga umaasa lang sa daily wage na kabuhayan. Sana matugunan natin ang pangangailangan nila. Nakikiusap po kami sa mga taong gustong mag-donate, Kaunting tiis na lang sabay nating maitatawid itong krisis na ito. At sana bilang mga Pilipino, bilang kasama sa human race, maging responsable tayo, magmahalan tayo, dahil iisa lang naman ang mundong ginagalawan natin,” dagdag ni Rowell.

Parehong parte ng seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sina John at Rowell na ngayon ay pansamantalang inihinto ang taping dahil na rin sa COVID-19.