PatrolPH

'FPJ's Batang Quiapo': Tanggol ninakawan si Roda para sa pangpiyansa ni Tindeng

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2023 11:13 PM

Ninakawan ni Tanggol (Coco Martin) si Roda (Joel Lamangan) para mapiyansahan si Tindeng (Charo Santos) sa latest episode ng 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Marso 20, 2023. ABS-CBN
Ninakawan ni Tanggol (Coco Martin) si Roda (Joel Lamangan) para mapiyansahan si Tindeng (Charo Santos) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Marso 20, 2023. ABS-CBN

Ninakawan ni Tanggol (Coco Martin) si Roda (Joel Lamangan) para mapiyansahan si Tindeng (Charo Santos) sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Lunes.

Matapos nakawin ni David (McCoy de Leon) ang kanyang ipon, nagkaroon ng ibang ideya ang bida para makakuha ng pera.

Sumama ang tropa ni Tanggol at nag-akyat bahay para makakuha ng pangpiyansa ng kanyang lola.

Bukod sa wallet, kinuha rin ng bida ang mga alahas at relo ni Roda para sa kanyang mga kaibigan.

Hindi naman mapakali si Roda nang mapansing wala na ang kanyang mga kayamanan.

Samantala, buo na ang pera ni Mokang (Lovi Poe) at tutulungan siya ni Chicky (Toni Fowler) para idaos ang kanyang debut.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.