‘PBB’: Teen housemates nakapasok na sa Bahay ni Kuya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘PBB’: Teen housemates nakapasok na sa Bahay ni Kuya

‘PBB’: Teen housemates nakapasok na sa Bahay ni Kuya

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 20, 2022 07:32 AM PHT

Clipboard

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Napagtagumpayan ng teen housemates ang mga hamong ibinigay ni Big Brother sa camping site kaya naman tuluyan na silang nakapasok sa Bahay ni Kuya nitong Sabado.

Opisyal nang magsisimula ang kampanya ng mga teen housemate sa “Pinoy Big Brother” sa kanilang pagpasok sa bahay matapos ang ilang araw na pananatili sa kabundukan, kung saan sila nahati sa dalawang grupo.

Magkahiwalay na pumasok ang Camp Matiyaga at Masagana na inihatid pa ng mga host na sina Bianca Gonzales, Robi Domingo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Enchong Dee.

Unang nakatuntong sa loob ng Bahay ni Kuya sina Ashton Salvador, Don Hilario, Kai Espenido, Luke Alford, Stef Draper, at Tiff Ronato.

ADVERTISEMENT

Huli namang pumasok ang grupo nina Maxine Trinidad, Gabb Skribikin, Dustine Mayores, Eslam El Gohari, at Rob Blackburn.

Ngunit bago tuluyang makapasok sa “PBB” house, kinailangan munang magawa ng dalawang kampo ang isang task kung saan sumabak sila sa isang obstacle course.

Binigyan sila ni Big Brother ng 100 minuto upang makaikot sa mga obstacles at makuha ang mga sako na naglalaman ng mga piraso ng puzzle na kanilang bubuuin sa dulo.

Unang sumabak ang Camp Masagana na napagdesisyunan na si Trinidad ang buhatin para sumungkit ng mga sako. Nakaubos ng 50 minuto ang grupo at nakabuo na ng kalahati ng puzzle.

Ipinasa nila sa Camp Matiyaga ang pagkuha ng iba pang piraso ng puzzle para mabuo ang PBB logo.

Matapos ang ilang mga task, nakalikom ang dalawang grupo ng 7 stars, sapat upang tuluyang makapasok sa bahay.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.